Friday, January 24, 2014

A Tagalog Poem About KAAS

Ang mundo'y puspos ng kabalbalan
Kagaguhan at mga katarantaduhan,
Mga bagay, kaisipan at kaganapan
Na nagpayaman sa talasalitaan

Ano ba itong bagong kataga?
KAAS ang tawag dito
Ano ulit ang kataga?
KAAS, inuulit ko!

Daglat ng "Kung Anu-Anong Shit"
Ang ating mahiwagang kataga
Ito ay tiyak na masasambit
Kung tayo ay nabuburat na

Kung nais mong tumakas
Sa paligid na panay KAAS
Marapat na sumibat
KAAS, 'di dapat kumalat!

No comments:

Post a Comment